Rug Doll

Isang araw may isang mayamang pamilya
meron isang anak na anak na babae...
namamasyal sila sa isang mall...
habang naglalakad sila..
anak: mami mami ang ganda ng doll oh! bili mo ako nyan!
mami: o sige anak san ba jan ang gusto mo?
anak: ito o gusto ko po ito!
dady: o sige kunin mo na yan mami bayaran mo na sa counter.

at umuwi silang mag-anak
tuwang-tuwa yung bata sa bago nyang laruan..
pagkalipas ng isang buwan..
nagsawa ang bata sa kalalaro ng kanyang doll
hanggang sa hindi na niya ito pinapansin

ang kawawang doll ay nasa tabi na lang..
madalas makikita mo sya sa ilalim ng mga upuan..
minsan asa ilalim ng kama... dinadaan-daanan
dahil sa hindi na nga sya pinapakinabangan

mami: inday tapon mo na nga ito sa basurahan bkt nakakalat pa ito dito!
inday: opo ate!

tinapon na nga sa basurahan ang doll
hanggang sa npunta na ang doll sa isang lugar kung san itinatambak ang
napakaraming basura dito sa pilipinas..

may isang basurerong nag-aayos ng kanilang mga basurang itinapon
nakita nya ang doll naalala nya bday pala ngayon ng kanyang mahal na anak
kaya kinuha nya ito.. pinagpag para magkhang malinis..

tatay: okay na ito pwde na ito sa anak ko may bago na syang laruan ngayon sa bday nya

umuwi ang tatay na dala-dala ang doll.
pagkadting nya sa kanila hinanap nya kagad ang anak nya.

tatay: nay, nasan na anak natin hindi ba birthday nya ngayon? nkapaghanda ka na ba nay?
nanay: oo andun sya sabi ko maligo na sya dahil may inihanda ako para sa bday nya.
tatay: a sige at ako din may surpresa para sa knya.


biglang lumabas ang bata at niyakap ang kanyang ama.

anak: tatay!! andito ka na pala. kmusta po ang maghapon nyo:
tatay: ayos lang anak. may surpresa si nanay at tatay sayo!
anak: wow! ano po yun tay! nay!
tatay: ito o! (sabay nilabas ang doll na nasa likuran)
anak: yehey!! may bago na akong laruan ulit!! wow tatay! ang ganda!! marami pong salamat!!
(sabay yakap sa ama)
tatay: walang anuman iyon anak.. o sige tara ng kumain.. nay halika na dito sabay-sabay na tau.
nanay: cge umupo na kaung dalawang mag-ama jan at maghahain na ako..


tuwang-tuwa yung bata sa regalo ng kanyang tatay sa knya. kahit na alam nyang hindi bago ang laruan at tinapon lang ito ng dating may-ari.. inalagaan nya pa din ito.

ramdam ng rug doll na nabuhay sya ulit kaht na alam nyang tinapon lang sya ng dating nagmamay-ari sa kanya.
nkakita naman sya ng bagong pamilya at naramdaman nya ang pagmamahal ng bata sa kanya.

0 comments:


 

http://atejackie.blogspot.com Designed by: * Jackie *