Ang anghel sa simbahan
Isang gabi naglalakad ako patungo sa simbahan na malapit sa amin…
Goodluck sa layo di ba!! Cguro mula megamol hanggang metro walk (example lng!)….
Mga 1130 ng gabi yun (lakas ng loob nho!!)
Wala kasi ako sa sarili ko nung mga panahon na yun….
Masyado ako nadadala ng problema ko nun sa buhay…
Nalaman ko kasi na may kahati pala ako sa kare-kare
Eh masyadong masakit sa akin yun…
Biro mo ah!! Ang tagal na panahon akong nagtiis para lang kainin yung kare-kare!!
Hindi naman kasi talaga ako nakain nun (yaw ko tlga ng gulay!!)
Tapos!! Tapos!!
Hays ang totoo kasi nyan…
May iba syang babae, kala ko ako pipiliin nya…
nagkamali ako…
sobrang depressed talaga ako nun..
every night pumupunta ako ng church para umiyak…(hehe!!)
wala akong kasama.. ako lang talaga mag-isa
madilim kaya sa may simbahan…
siempre walang tao!
Walang ilaw!...
Para sa akin ng mga oras na yun hindi delikado….
Hindi ko iniinda ang panganib (nakz! Wee!)
Eh kasi nga wala ako sa sarili!!!
Ang naiisip ko lang nun eh gusto ko ilabas ang sakit na nafifeel ko that time…
Ayun asa simbahan na ako.. walang tigil sa pag-iyak…
Nagppray.. hehe! Nagtatanong sa sarili…
Hanggang sa hindi ko namamalayan…
May lalaki na palang lumapit sa akin….
Maitim sya… mukhang ndi mapagkakatiwalaan… naka short at sando ng puti…
Hindi ko sya kilala nilapitan nya ako..
Pero ako dedma… hehe!! Hindi ako natatakot kasi umiiyak pa din ako…
Tinanong nya ako, sabi nya:
Lalaki: ne, umiiyak ka ba??
Ako: po?? (sumisinghot-singhot pa.. pinipigilan ko kasi umiyak.. nahihiya ako..)
Lalaki: bakit ka umiiyak?? Kasi knina pa kita napapansin na umiiyak eh.. ano b ngyari sau??
Ako: huh?? Wala po ok lang po ako…(ayan n nakakaramdam na ako ng takot… pero onti lang..)
Lalaki: pasencia ka na ha.. hinihintay ko kasi asawa ko dito eh.. sabi nya dito kami magkikita… hanggang ngayon wala pa sya eh..
Ako: ganun po ba? Cge po hintayin nyo na lang po…
Lalaki: sabi nya kasi hintayn ko daw sya… gusto nya daw ako kausapin tungkol sa amin…
Ako: Bakit po?? (aba! Usisera ang bklang ito nagawa pang magtanong natatakot na nga!)
Lalaki: kasi sundalo ako… kaya din cguro nagawa ng asawa ko maghanap ng iba kasi lagi akong nasa malayo…
Ito nga at hinihintay ko sya kasi sabi nya mag-uusap daw kami…
Nung una akala ko makikipagbalikan sya… hindi pala…
Gusto nya lang kami mag-usap kung pano ang gagawin naming set up
Para sa mga anak naming…
Mahirap siempre mahal ko pa sya… kaso alangan ipilit ko ang sarili ko…
Nagtrabaho pa naman ako para sa knila…
Ako: kasal po ba kayo?? (aw! Nagtanong k n nmn!)
Lalaki: oo nagpakasal kami bago ako umalis
Siempre! Nahabag ako
Sabi ko sa sarili ko may mas grabe pa palang namroroblema sa akin…
Nagpaalam na sya sa akin after nun…
Lalaki: sige neng alis na ako hindi na ata dadating yung asawa ko…
Ako: cge po… baka po mamaya dadating yun…
Lalaki: salamat sana nga…
Umalis yung lalaki hindi ko namamalayan… maya maya hehe usisera kasi ako eh…
Hinanap ko sya…aba!! WALA NA!! ang bilis mag lakad nung lolo mo!
Kahit anino hindi ko nakita… hehe medyo kinilabutan ako… kaya umuwi na ako…
Pero naisip ko habang naglalakad ako… hindi kaya sya si god??
Hindi kaya isa syang angel na pinadala ni god for me??
Sabi nila magpapakita si god sayo in a different form…
Yung least na iniexpect mo…
Si god yun… I know… gusto nyang sabihin sa akin na be strong…
Na alam nyang I can fight my struggles…
Na I can face everything!
Na hindi ako ang nawalan!
Simula nun I started diverting myself…
Sumama ako sa mga tropa ko…
Sumali ako sa mga organizations…
At successful naman yung nangyari…
Nkayanin ko din yun for a yr..
And look at me now…
Still fighting…
Dami pa kasi akong dreams…
Dami ko pa gusting gawin…
Patunayan…
Just pray to god…
Hindi ka nya iiwan… believe me!
He will send you an angel… like what he did to me…
Kaya goodluck to your journey!!
Labels: my life
numbnempty.blogspot.com is very informative. The article is very professionally written. I enjoy reading numbnempty.blogspot.com every day.
calgary payday loan
loans