Ang hilig ko ay sumayaw!...
Bata pa lang ako mahilig na ako sumayaw
Sa mga contest na nasalihan ko nung bata pa ako…
ang talent ko lagi eh ang sumayaw…
Elementary, high school at college lagi ako sumasali sa mga group dancers…
Hehe ewan ko nga ba… eh yun ang talent ko! Magagawa ko!
Sa tuwing sasayaw ako… masarap sa pakiramdam…
Pagod ko nawawala basta sumasayaw ako…
Sa gimik?? Sa mga bar?? Haha dance floor lagi hanap ko…
Pero hindi ako nakikipagsayaw sa mga boylet ah!
Mga tropa kong mahilig din sumayaw ang mga kasama ko…
Katulad ni ate cabz! Ayan! Partner ko talaga sa dancefloor yan!!
Sila tiny at ryan na classmate nya from lyceum…
Si shiny at anne! Na sumasayaw dahil pinilit ko lang… haha!!
Atsaka mga bading! Ayan ang mga gustong-gusto kong kasayawan!
Siempre nho!!! Hindi mga manyak!! Hindi mga nanghihipo!...
Si kuya Winston! Ayan!! Go go din sa dancefloor yan!! Dance sweeper daw sya!
Kapag may nagtangkang makisayaw… friends to the rescue!!!
Magkukumpulan kami para walang umextra.. haha!!
Kasi nga ang hanap namin eh ang magpalipas pagod lang…
Haha!! Namimiss ko na ang sumayaw…
Nung asa pinas pa ako…
Nag-enroll ako sa isang dance school…
Hehe!! Street jazz… every 2 days in a week may dance class ako…
From cavite dadayo pa ako ng libis! Para sa dance lesson…
Wala lang kanya-kanyang kahiligan lang yan eh…
Lahat ng sayaw kaya ko sayawin…
Kapag may gustong makipag-sayaw, eh di go! Sayaw lang!
Sayaw lang naman eh…
Kaso dapat kaya nyang sabayan ang steps ko…
Oha! Ganun talaga….pero kaya ko din naman sundan ang steps mo…
Turuan mo lang ako… konting step by step… khalas!!
Sabay na sumasayaw paa natin…
Hehe minsan ndi ko maiiwasan matapakan ang paa ng kapartner ko
Ganun din naman sya…
Madaming dahilan…
Minsan sa sobrang saya ng tugtug masyado tayong high!
Nagwawala natatapakan na natin yung paa…
Minsan din naman kapag hindi natin alam ang steps at tinuturuan tayo ng partner natin
Hindi din natin maiiwasan matapakan ang paa nya...
Kahit na ganun importante nagkakaintindihan kayo sa bawat galaw…
Pumapasok sa utak yung mga maling steps tsaka nyo sabay na pag-aralan ulit…
Ayus lang magkamali! Parte na yan ng sayaw…
Bakit sayaw ang topic ko???
Bukod kasi sa talent ko ang sumayaw…
Ang buhay ko parang sayaw…
Kung ano ang tugtug yun ang sasayawin ko…
Kahit anong klaseng music ang ipatugtug ng buhay..
Go lang ako! Pano mo maeenjoy kung mamimili ka??
Pano mo ka magiging masaya kung hindi ka makikisabay??
May pagka spontaneity kasi ako..
Nahirapan ako pagnagpplano…
Atsaka mahirap din ang nakaplano masyado…
Hmmm but of course meron din nakaplan sa akin…
And that is the future of my baby…yun nakaplan na yun..
But yung iba.. I leave it as it is…
Life is too short… enjoy life!
Labels: my life